Home NATIONWIDE Batas na maglilikha, mag-a-upgrade sa mga ospital sa Pinas tinintahan

Batas na maglilikha, mag-a-upgrade sa mga ospital sa Pinas tinintahan

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apat na batas na naglalayong lumikha at i- upgrade ang mga ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang mga kopya ng mga bagong batas ay naka-post sa Official Gazette at ibinahagi sa social media, araw ng Miyerkules.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Nov. 8 ang Republic Act (RA) 12068, naglalayong i-upgrade ang Bataan General Hospital at Medical Center sa Balanga City, Bataan para maging multi-specialty hospital at itaas ang bed capacity mula 500 at gawing 1,000.

Nilagdaan din ng Pangulo ang RA 12069, na maga- upgrade sa Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital sa bayan ng Jordan sa lalawigan ng Guimaras sa Level II hospital at itaas ang bed capacity mula 25 ay maging 500.

Ang ospital ay papangalanan na Dr. Catalino Gallego Nava Medical Center.

Gayundin, nilagdaan ng Pangulo ang RA 12070 na magtatayo ng Victorias City General Hospital sa Victorias City, Negros Occidental, at RA 12071 na magtatayo ng Laguna Regional Hospital sa Bay, Laguna,.

Sa Ilalim ng mga bagong batas, ang Kalihim ng Department of Health ay may mandato na isama ang programa ng Department of Health sa kakailanganing pondo para i- upgrade at itatag ang mga ospital na Ito.

Samantala, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang RA 12072 na maghihiwalay sa Bacungan National High School – Mangop Extension sa Barangay Mangop, bayan ng Leon B. Postigo sa lalawigan ng Zamboanga del Norte mula sa Bacungan National High School, at i-convet Ito sa isang independent national high school na papangalanang Mangop National High School.