MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Sherwin Gatchalian na papabilisin ang pagsasabatas ng ilang panukala na tuluyang tutuldok sa operasyon ng lahat ng uri ng Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on ways and means, na determinado ang Senado na pagtibayin ang deklarasyon ng administrasyon hinggil sa total bang POGO sa bansa.
“Lahat ng senador, kabilang si Senate President Francis “Chiz” Escudero, ang pumayag na pabilisin ang panukala,” ayon kay Gatchalian.
“Hopefully, in the next two weeks. Simpleng bill lang naman to, and I thank Senator Joel Villanueva, Senator Alan Peter Cayetano for initiating the bill. So, iko-consolidate na lang namin to,” ayon kay Gatchalian pagkatapos ng ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means hinggil sa total ban ng POGO.
Sinusuri ng komite ang pagsasama-sma ng ilang panukalang batas kabilang ang inihain ni Cayetano, ang Senate Bill Nos. 63, SBNs 1281 at 2752 ni Villanueva, at SBN 2689 ni Gatchalian.
Isinusulong nina Cayetano at Villanueva ang Pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling, habang gusto naman ni Gatchalain na ibasura ang Republic Act No. 11590 at An Act Taxing POGOs.
Isa sa mainit na talakayan sa pagdinig ang “e-gaming” na pinapayagan ang pagtaya para lamang sa local clients.
Ayon kay Gatchalian na nasa gitna ng panukalang ban, ikinokonsidera ng komite ang kikita ng pambansang pamahalaan sa e-gaming.
“Lumalaki siya. In PAGCOR [Philippine Amusement and Gaming Corporation] alone is PHP22 billion, in BIR [Bureau of Internal Revenue] is already almost PHP12 billion,” aniya gamit ang datos mula sa PAGCOR na kumita ng PHP6 billion at BIR ngPHP2 billion mula sa e-gaming tatlong taon ang nakalipas.
Pero, nakita ng komite ang kahinaan ng regulasyon partikular ang malaya at madaling pagbubukas ng isang e-gaming account.
“Kahit sino kahit menor de edad, puwedeng magbukas ng account sa e-gaming gamit ang pekeng pangalan at edad,” ayon kay Gatchalian.
“At dahil pwede kang magbigay ng pekeng pangalan, pwede ka ding pumasok sa money laundering,” aniya.
“Sabi ng ating kapulisan minimal lang yung nakukuha nilang reports tungkol sa crime sa e-gaming. Pero the mere fact na may weakness sa regulatory, baka magiging mas malala to sa mga susunod na panahon, paliwanag ng senador.
Samantala, inihayag naman ni PAGCOR Chairperson and CEO Alejandro Tengco sa klmite na kasama sa ipalalabas na executive order ang internet gaming licensees (IGLs).
Binanggit din ni Tengco na hindi tumatanggap ng taya ang Special class BPOs (business process outsourcing) kung nagbibigay lamang ng serbisyo sa gaming companies sa labas ng bansa.
“They do not accept any form of bets. The main thing that they do is serve as backroom operations of legitimate and big gaming companies based all over the world,” aniya. Ernie Reyes