Home NATIONWIDE Paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program pinangunahan ni PBBM

Paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program pinangunahan ni PBBM

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Biyernes, ang paglulunsad ng “Agri-Puhunan at Pantawid Program” sa Guimba, Nueva Ecija.

“Kaya naman, sa pangunguna ng Kagawaran ng Agrikultura, kasama angDevelopment Bank of thePhilippines,ang DBP at angPlanters Products Incorporated, inilulunsad natin sa araw na ito ang Agri-Puhunan at PantawidProgram,” ang inanunsyo ni Pangulong Marcos sa isinagawang paglulunsad na idinaos sa Our Lady of Sacred Heart Gymnasium sa Guimba.

Ang nasabing event ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Marcos, ngayong araw ng Biyernes. Binati siya ng mga benepisaryo habang isinasagawa ang programa.

Sa ilalim ng Pantawid program, ang bawat magsasaka ay makatatanggap ng isang Interventions Monitoring Card (IMC), na maaaring gamitin para bumili ng ‘seeds o mga buto at fertilizers, at maging ibang kagamitan para sa pagsasaka sa pamamagitan ng accredited merchants.

“Wala nang pangambang maloloko sa presyo. Wala nang alalahanin sa kakulangan ng pondo,” ayon sa Chief Executive.

Idinagdag pa ng Pangulo na bibigyan ng gobyerno ang mga magsasaka ng P32,000 na tulong pinansiyal. Ipamamahagi ito ng P8,000 kada linggo sa bawat buwan sa loob ng 4 na buwan.

Sa panahon naman ng pag-aani, tutulong ang National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagbili sa kanilang ani sa halagang limang tonelada o 100 sako ng palay sa presyo na hindi bababa sa P21 kada kilo.

Pahihintulutan naman ng Pangulo ang mga magsasaka na kumita ng P105,000 kada ektarya , ipoproseso sa pamamagitan ng kanilang IMCs.

Sinabi pa rin nito na sa ilalim ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat,” magtatatag ang gobyerno ng KADIWA centers kung saan ang bigas at iba pang agricultural products ay available sa mababang presyo.

Magbibigay naman ang gobyerno ng libreng mga buto o punla at fertilizers, at maging ang iba pang tulong at mag-alok ng financial support sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program, TUPAD, at iba pang aid programs.

Para naman sa mga naghahanap ng trabaho, sinabi ng Pangulo na tutulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng job fairs at Government Internship Program.

“Magbibigay din po tayo ngscholarshipat sakatoolkitat magsasagawa ngskills demonstrationsa iba’t ibang panig ng bansa. Mag-aalok din tayo ng mgaslotpara puwedeng gamitin ng ating mga mag-aaral at ‘yung magte-training, magagamit nila ‘yan sa TVET,” ang tinuran ng Pangulo.

Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo na ang gobyerno ay magbibigay din ng libreng medical assistance sa pamamagitan ng Level 3 public hospitals, binanggit ang Dr. Paulino Garcia Memorial Hospital sa Nueva Ecija.

Tinuran pa ng Pangulo na maglulunsad din siya ng mini trade fairs, mag-aalok ng business counseling at entrepreneurial training para tulungan ang mga nagpa-plano na magsimula ng kanilang negosyo.

“Layunin namin na maihatid sa lahat ng Pilipino ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan na makakatulong upang makapagsimula kayo ng kabuhayan, magkaroon ng edukasyon, at magkaroon ng mabuting kalusugan,”ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose