MANILA, Philippines – Malakas ang panawagan sa Kongreso na iregulate na ang social media at wakasan ang fake news kaya asahan nang may maipapasang batas ukol sa disinformation sa pagpasok ng 20th Congress, ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales Rep Jay Khonghun.
Sa isang press conference sa Kamara sinabi ni Khonghun na ang sentro ng isinasagawang House Inquiry ay makabalangkas ng batas para labanan ang fake news at magtakda ng parusa.
“Well kaya nga nagkakaroon tayo ng mga hearing dahil sa patungkol sa paglalagay ng safeguard laban sa fake news. Kaya nga meron na tayong binuo sa Kongreso upang siguraduhin na makapaglabas ng batas upang labanan ang mga fake news, bigyan ng parusa yung mga nagpapakalat nito at siguraduhin na mahinto yung ganitong klaseng maling gawain,” paliwanag ni Khonghun.
Kinumpirma ng mambabatas na isinasapinal na ngHouse Tri-Committee (Tri-Comm) ang panukalang batas para sa fake news regulation.
Gayundin ang pahayag ni House Assistant Majority Leader at Manila Rep Ernix Dionisio, aniya, malapit nang matapos ang era mg mga nagpapakalat ng fake news.
“Congress is really doing its part night and day para lang makagawa talaga ng proper laws and proper sanctions sa mga taong nagpe-peddle ng fake news,” pagtatapos pa ni Dionisio. Gail Mendoza