Home NATIONWIDE Ballot printing inaasahang makukumpleto ngayong linggo

Ballot printing inaasahang makukumpleto ngayong linggo

(via Danny Querubin)

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos na ngayong linggo ang pag-imprenta ng 69 milyong opisyal na balota para sa May 12 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, kailangan na lamang ang tatlong milyong balota na inaasahang makukumpleto pagsapit ng
“Friday night or Saturday morning.”

Ani Garcia, matapos makumpleto ang proseso ng pag-imprenta ay beberipikahin naman nila ang mga ito.

“We have verified about half of the number of ballots printed. The verification will still run until April,” sinabi ni Garcia. RNT/JGC