MANILA, Philippines – Magsasagawa ng malaking prayer rally para sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Sabado, Marso 15 ng hapon.
Ang ikakasang rally para sa pagkakaisa ay isasagawa ng mga nakikisampatiya at mga tagasuporta ng dating Pangulo mula sa ibat-ibang panig sa bansa.
Ang mga kalahok ay magtitipon-tipon bago magtungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Magkakaroon din ng motorcade patungo sa nasabing venue ngunit ang mga hindi makakasama sa motorcade ay pinayuhan na dumiretso na lamang sa Liwasan bandang alas 3 ng hapon.
Pinaalalahanan ang mga makikiisa sa solidarity/prayer rally na magsuot ng green o black shirts.
Magdala rin umano ng mga watawat o flaglets at maglagay ng kulay green na ribbon para magpakita ng suporta.
Pinayuhan din ang mga supporters na magdala ng anumang pananggalang dahil asahan na ang hindi inaasahang mainit at maulan na lagay ng panahon.
Huwag na rin umanong maddala ng backpacks at malalaking bags para sa kadahilanang pangseguridad.
Magdala ng bottled water, pagkain at trash bag upang mapanatiling malinis ang venue.
Maaari namang magdala ng karatula na may nakalagay na “I stand with PRRD” o “I am NOT a Filipino for nothing.”
Apela ng mga organziners ng kaganapan na panatilihing payapa at maayos ang solidarity/prayer rally bilang suporta sa disiplina at magalang na pag-uugali.
Sundin ang event marshals at security personnel sa lahat ng oras.
Tiyakin din na nasa maayos na kalusugan bago dumalo sa pagtitipon ngunit kapag hindi maayos ang kalagayan ay hinimok na makiisa na lang online.
“Most importantly, let’s pray together for unity and strength for our nation.” Jocelyn Tabangcura-Domenden