Home NATIONWIDE Panelo sa ‘di pagdalo ni Imee sa campaign sortie ng Alyansa: Bolahin...

Panelo sa ‘di pagdalo ni Imee sa campaign sortie ng Alyansa: Bolahin mo lelang mo

MANILA, Philippines – Nagbigay ng komento si Atty. Salvador Panelo kaugnay sa naunang pahayag ni Senador Imee Marcos na hindi siya dadalo sa campaign sortie ng partido ng administrasyong Marcos sa Tacloban City.

“Nagpapaumanhin ako sa mga kababayan kong Waray na hindi ako makakadalo sa rally mamaya sa Tacloban,” sinabi ng Senador.

“Hindi ko matanggap ang ginawa kay [former President Rodrigo Duterte],” dagdag pa niya.

“Pinag-aaralan ko ang mga pangyayari upang maliwanagan ang sambayanan; makabuo ng makatotohanang solusyon patungkol sa pagtangay sa dating pangulo,” sinabi ni Marcos.

Sa paghingi ng mga mamamahayag ng komento patungkol dito, sinagot ni Panelo ng isang kanta ang isyung ito.

Napakanta na lamang ng ‘Balatkayo’ ni Anthony Castelo si Panelo sa sinabi ng presidential sister na hindi siya dadalo sa campaign rally ng Alyansa dahil hindi niya matanggap ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, sinupalpal din ni Panelo si Senadora Marcos sa pagsasabing, “Bolahin mo lelang mo.” RNT/JGC