MANILA, Philippines – Inatasan ng Energy Regulatory Commission nitong Biyernes, Marso 14 ang Manila Electric Company na ibalik sa mga customer nito ang halos P20 bilyong halaga ng over-recoveries.
Sa kautusan na inisyu ngayong araw, inanunsyo ng ERC na ginawaran nito ng provisional authority ang Meralco na ipatupad ang proposed refund scheme nito sa loob ng 36 buwan para sa kabuuang P19.95 bilyon. RNT/JGC