Home NATIONWIDE Palasyo: Loyalty check sa mga pulis, militar ‘di kailangan

Palasyo: Loyalty check sa mga pulis, militar ‘di kailangan

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katapatan ng pulisya at mga militar kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi na kailangan ang loyalty check sa mga ito.

”Loyalty check? Wala po, kampante po ang Pangulo. Ang ginawa naman po ng administrasyon ay naaayon sa batas,” ani Castro.

Matatandaan na pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat ng umano’y pagbibitiw sa serbisyo ng mga tauhan nito para suportahan si Duterte.

Hinimok ng militar ang publiko ”to exercise critical discernment and avoid spreading unconfirmed information.”

Itinanggi rin ng Philippine National Police ang kaparehong ulat. RNT/JGC