Home NATIONWIDE Bato sa bato: Bagong ‘war on drugs’ ikinasa ni Dela Rosa vs...

Bato sa bato: Bagong ‘war on drugs’ ikinasa ni Dela Rosa vs gov’t officials

MANILA, Philippines – Mistulang inulit ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang inilunsad na war on drugs ng dating administrasyon matapos ikasa sa Senado ang imbestigasyon sa pagkakasangkot ng halal na opisyal ng pamahalaan kabilang ang ilang men in uniform sa droga.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Dela Rosa, dating hepe ng pulisya na naglunsad ng war on drugs sa Duterte administration, na dapat tiyakin na walang droga sa alinmang tanggapan ng pamahalaan.

Inihain ni Dela Rosa ang Senate Resolution No. 1163 noong nakaraang linggo.

“No one is above the law, including elected government officials and employees,” ayon sa resolusyon.

“They must be, at all times subjected to the highest standards of qualification and fitness to serve the people, including their heart and wellness free from the influence of illegal drugs and other prohibited substances,” giit ng dokumento.

Inatasan ng resolusyon ang sariling ko komite, ang Senate committee on public order and dangerous drugs na magsagawa ng imbestigasyon.

“Notwithstanding the accomplishment of Marcos administration in their bloodless war on dangerous drugs, issues concerning the security breach in the Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) have emerged,” ayon sa resolusyon.

Naunang inimbestigahan ng komite ni Dela Rosa ang sinasabing PDEA leaks na nag-uugnay sa ilang high-profile personalities sa illegal drug trade.

Binanggit din ni Dela Rosa ang ulat ng Palasyo na umabot sa mahigit 6,000 ang inarestong high-value targets, 440 dito ay pawang government officials, 42 ang uniformed personnel, at 77 ay elected officials.

“It is alarming that more than 7% of the total number of high-value 10 targets is composed of government employees, thereby underscoring the need to ensure that government offices, occupied by those most expected to adhere to the law, are truly drug-free workplaces,” ayon sa senador sa resolusyon.

“Barely a few weeks ago, social media was taken by storm with the emergence of a woman, who, in an interview with a vlogger, disclosed some allegations regarding the drug use of high-ranking elected officials in the Philippine government,” giit niya.

Tinukoy pa ni Dela Rosa ang probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagsasabing “a higher responsibility to government officials and employees to follow.”

“As such, the law imposes the maximum penalties available for those workers in the government who have committed unlawful acts and later found guilty of such,” aniya. Ernie Reyes