Home METRO Seguridad sa mga pantalan, paliparan ng NegOr, pinaigting ng PDEA

Seguridad sa mga pantalan, paliparan ng NegOr, pinaigting ng PDEA

1
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Negros Oriental ang mga seguridad sa iba’t ibang pantalan at paliparan upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa lalawigan.

Ayon kay PDEA provincial chief Elmer Ebona, tututukan ang mga seaport at airport dahil ito ang mga pangunahing entry points ng ipinagbabawal na gamot. Magkakaroon din ng random inspections, lalo na dahil hindi ito kayang gawin araw-araw sa lahat ng lugar.

Makikipagtulungan din ang PDEA sa iba pang law enforcement agencies sa oras na mabuo ang isang multi-agency task force.

Ibinahagi rin ni Ebona na may limitasyon ang mga inspeksyon sa bagahe at kargamento, lalo na sa mga pantalan na walang X-ray scanner. Sa mga roll-on/roll-off (RORO) facilities, direktang sumasakay ang mga sasakyan sa barko nang walang inspeksyon.

Mayroon ding K-9 units ang PDEA na sinanay upang makatukoy ng mga nakatagong ilegal na droga.

Ayon pa sa opisyal, hindi lamang droga ang problema kundi pati na rin ang mga hindi rehistradong armas at smuggled na sigarilyo na pumapasok sa lalawigan.

Bubuo rin ang PDEA ng multi-agency task force na kinabibilangan ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Maritime Police, Philippine Ports Authority, at iba pang ahensya upang mas palakasin ang kampanya kontra ilegal na droga at makamit ang layuning drug-free na komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here