Home NATIONWIDE Bato umaasa ng patas na SC ruling sa ICC petition

Bato umaasa ng patas na SC ruling sa ICC petition

232
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na magiging patas ang ruling ng Korte Suprema sa petisyon na nagnanais na ipagbawal ang mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court at sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa press statement nitong Sabado, hiniling ni Dela Rosa sa Korte na maglabas ng ruling batay sa mga merito ng petisyon.

“Again, we are praying that the Supreme Court will be guided accordingly…they should decide according to the merits of the case, at ‘wag po sana silang magpapadala sa politika because we know that we are a co-equal branch of government,” anang senador.

Matatandaan na naghain ng petition for certiorari sina Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Israelito Torreon laban kina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at iba pang opisyal sa kanilang aksyon kaugnay sa ICC case.

Layon ng petisyon na maglabas ng temporary restraining order para mapigilan ang pag-aresto kay Duterte, na tinanggihan naman ng SC.

Bilang tugon, naghain naman ng motion for reconsideration ang legal team nina Duterte at Dela Rosa na humihimok sa SC na gumawa ng hakbang para maibalik si Duterte dito sa Pilipinas.

Matatandaan na ngayon ay nasa detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos maaresto noong nakaraang linggo sa drug war-related crimes against humanity charges.

Siniguro naman ni Dela Rosa na gagawin niya umano ang lahat ng legal na hakbang.

“If all legal remedies are exhausted and still justice is to no avail, then I don’t want my family to suffer from cops looking for a heartbeat. I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” pahayag ni Dela Rosa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here