Ipinapasok ng botante ang balota sa vote counting machine (VCM) sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City para sa barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes. Isa ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tatlong barangay kung saan umiiral ang pilot testing ng Automated Elections System (AES) para sa BSKE. Danny Querubin
MANILA, Philippines – Nanumpa ang mga kandidato sa halalan sa Zamboanga del Sur na tutulong para maabot ang mapayapa at maayos na eleksyon sa pamamagitan ng pagpirma sa isang peace covenant.
Ang covenant signing ay ginawa sa loob ng
Camp Reginaldo Abelon sa Zamboanga City, ang headquarters ng Provincial Police Office.
Nagsisilbing kasunduan ang peace covenant sa mga lokal na kandidato sa Zamboanga del Sur at mga opisyal para sa isang matapat, maayos at mapayapang eleksyon sa probinsya, sinabi ni provincial election supervisor John Paul Cubero.
Lumahok sa proseso ang dalawang major political camps na pinamumunuan ng kani-kanilang gubernatorial candidates na sina
Dumalinao town outgoing Mayor Junaflor Cerilles at outgoing 1st District Rep. Divina Grace Yu.
Ani Cerilles, ang paglahok nila dito ay nagpapakita lamang ng kanilang commitment “to the goal towards not just a peaceful and orderly elections” at matulungan ang mga mamamayan na magkaisa.
Pinaalalahanan naman ni Cerilles ang mga awtoridad ng kanilang mandato na ipatupad ang batas at panatilihin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng collaborative effort sa civil society at iba pang community stakeholders.
“To fellow candidates, I know that every one of us here wishes to win this coming election. But as we work towards our victory, let us not use our power, authority and money at the expense of officers, teachers losing their uniform, their reputation and their dignity (and) at the expense of losing innocent lives (that leaves) grieving families behind. Let us be reminded that as leaders, we are also part of maintaining peace and order in this province,” dagdag niya.
Samantala, nanumpa si Yu na magiging bahagi ng solusyon para maabot ang matapat, maayos at mapayapang eleksyon.
Noong nakaraang taon, ilang lider ng barangay sa probinsya ang napatay sa mga pag-atake. RNT/JGC