Ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang mga maingay na party at aktibidad sa Boracay sa Biyernes Santo, Abril 18, mula 6 a.m. hanggang 6 a.m. ng Sabado de Gloria, Abril 19.
Ayon sa utos ni Mayor Frolibar Bautista, walang ilalabas na special permit para sa mga party o aktibidad na may malalakas na tugtog.
Maraming turista ang dumadayo sa isla tuwing Semana Santa. RNT