Home ENTERTAINMENT Legs ni Arci, inokray!

Legs ni Arci, inokray!

Screenshot

Manila, Philippines – Paminsan-minsan siguro’y dapat ding matutong makinig si Arci

Muñoz sa ibang tao who look at her from an objective point of view.

Ang mga ito kasi are likely the ones na may totoong malasakit sa kanya.

Ang mga ifinlex na litrato ni Arci ang ginawang basis ng ilang concerned individuals.

Sakay ng isang yate, may caption si Arci na: “Me don’t eat before a bikini photo!”

Sexy kung sexy ang dating ng aktres in her bikini.

Halatang na-achieve ni Arci ang kanyang desired abs sa pamamagitan ng workout.

Pero tanong ng mga netizens: isn’t she overdoing it?

From waist up, walang dudang walang itulak-kabigin sa figure ni Arsi.

Nagkakatalo nga lang pag pinaling mo ang iyong tingin sa bandang ibaba.

Pagdating kasi sa legs niya ay sumobra na ang pagkapayat ng mga ito.

Ayon sa kanya mismo, kain naman daw siya nang kain pero obyus na hindi napupunta ang nutrients ng mga kinakain niya sa kanyang legs.

Duda ng mga netizens, hindi healthy ang diet regimen na sinusunod ni Arsi dahil ipinagkakanulo siya ng legs niya, na parang sa manok! Ronnie Carrasco III