Home Uncategorized Rehistrasyon sa internet voting para sa Pinoy abroad, ‘gang Mayo 7 pa...

Rehistrasyon sa internet voting para sa Pinoy abroad, ‘gang Mayo 7 pa – Comelec

MANILA, Philippines – Maaaring pa ring mag-enroll ang mga Pilipino sa ibang bansa na nais gumamit ng internet voting gamit ang kanilang sariling mga gadget hanggang Mayo 7, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na ang mga rehistradong botante na gustong gumamit ng bagong paraan ng pagboto—ang Online Voting and Counting System (OVCS)—sa 77 Philippine Embassies (PEs) at Philippine Consulates General (PCGs) ay maaaring bumisita sa ov.comelec.gov.ph/enroll.

Iniulat ni Garcia na higit 55,000 Pilipino abroad ang naka-enroll na para sa internet voting.

Gayunman, nilinaw ni Garcia na hindi pa maaaring isapubliko ang bilang ng mga botanteng nakaboto na mula nang magsimula ang 30-araw na overseas voting period noong Linggo.

Paliwanag niya, alinsunod sa Section 20 ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagbibigay ng real-time updates o paglalabas ng mga pangalan o bilang ng mga botanteng nakaboto, alinsunod na rin sa probisyon ng Overseas Voting Law.

Sa kabuuan, mayroong 1.321 milyong rehistradong botanteng Pilipino sa ibang bansa.

Ang mga botante sa ibang bansa ay maaaring bumoto lamang para sa mga pambansang posisyon: 12 senador at isang party-list group. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)