Home NATIONWIDE Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – Asahan ang bahagyang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Inaasahan ang P0.00 hanggang P0.10 na bawas sa kada litro ng gasolina habang P0.00 hanggang P0.20 kada litro na bawas sa presyo ng diesel.

Samantala, posible rin ang P0.00 hanggang P0.20 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC