MANILA, Philippines – Handa na ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang progresibong grupo sa papalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.
“Nagtitipon ang mga grupo diyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kung saan nagko-converge ang iba’t ibang mga sector para i-deliver ‘yung nakikita nating tunay na state of the nation na iba doon sa maririnig natin sa loob ng Batasan,” pahayag ni Bayan President Renato Reyes sa panayam ng DZBB.
“Ibang iba ang SONA na maririnig natin sa kalsada kasi ‘yun naman talaga sa punto de vista ng mga mamamayan,” dagdag pa niya.
Ani Reyes, nakakuha na sila ng permit mula sa Quezon City local government, ngunit makikipagpulong pa sila sa mga awtoridad kung paano maisasagawa nang mapayapa ang rally. RNT/JGC