Home NATIONWIDE Bayan sa Laguna nakasailalim sa public health emergency sa dengue

Bayan sa Laguna nakasailalim sa public health emergency sa dengue

CALAUAN, Laguna – Isinailalim sa state of public health emergency ang bayang ito dahil sa dumaraming kaso ng dengue.

Base sa local government, umabot na sa 173 kaso ng dengue ang naitala, na may 33 aktibong kaso at isang namamatay, noong Lunes, Agosto 19.

Ang Rural Health Unit at iba pang ahensya ng gobyerno ay nagsagawa ng mga hakbang upang makontrol ang bilang ng mga kaso.

Ang pamahalaang munisipyo ay nagpapatupad ng misting at cleaning operations. RNT