MANILA, Philippines- Opisyal na sinimulan ngayong araw ng Lunes, Hunyo 9 ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela 2025.
Kasabay ng paghikayat ni Education Secretary Sonny Angara sa mga Pilipino na maliban sa paglilinis ng mga eskwelahan ay mahigpit na tanggapin ang mas malalim na misyon at ito ay ang: “bayanihan at education for all.”
“Brigada Eskwela is more than just fixing the schools; it is a bayanihan movement,” ang sinabi ni Angara sa kanyang kalatas.
“We invite all education champions and partners to join us not only in refurbishing classrooms but also in building supportive environments that empower every Filipino child to read,” dagdag niya.
Ang kampanya ngayong taon ay tatakbo mula June 9 hanggang 13, may bitbit na temang “Brigada Eskwela: Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa,” binigyang-diin ang mahalagang ugnayan sa pagitan ng komunidad at literacy development.
Binigyang-diin pa rin nito na habang ang physical repairs ay mahalaga, ang mas malalim na layunin ay pangalagaan ang kultura ng pagbabasa at bigyang-daan ang pagpapahusay sa mga resulta ng pag-aaral sa mga eskwelahan.
Iginiit din ng Kalihim ang kahalagan ng pagsali ng lahat, kahit pa aniya maliit na pagkilos, maging ito man ay pagdo-donate ng oras, suplay o pagsisikap ay mag-iiwan naman ng pangmatagalang epekto.
Bilang bahagi ng week-long activities, pinakikilos ng DepEd ang volunteers, mga guro, magulang, at katuwang para sa reading sessions, storytelling activities, classroom cleanups, minor repairs, at medical checkups.
Tulad nito, hinikayat ng education department na ang donasyon ng school furniture, learning materials, hygiene kits, food, at iba pang suplay.
Samantala, inulit naman ng environmental watchdog EcoWaste Coalition ang panawagan ni Angara na pagtutulungan o kolektibong aksyon, idagdag pa na ang Brigada Eskwela ngayong taon ay dapat na iprayoridad ang pagpapanatili.
“We enjoin our schools across the country to conduct this unique expression of the ‘Bayanihan’ spirit in the most eco-friendly manner possible to avoid garbage and pollution,” ang sinabi naman ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste.
At upang makatulong na gabayan ang mga kalahok, nagpalabas ang grupo ng set ng green guidelines, gaya ng pagbabawas ng paggamit ng plastic, pag-iwas sa mga nakapipinsalang kemikal at paggabay ng malinaw na PVC tarpaulins.
Sinabi ng EcoWaste na ang mga kasanayang ito ay alinsunod sa umiiral na polisiya ng DepEd ukol sa ‘solid waste management, lead-safe paint, at anti-smoking rules’ sa school premises.
Samantala, inulit ng Kalihim ang tunay na kapangyarihan ng Brigada Eskwela ay hindi lamang sa bilang o dami ng pagkukumpuni kundi maging sa diwa ng bayanihan na magsisilbing inspirayson sa mga komunidad na magsama-sama para sa kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral. Kris Jose