Home NATIONWIDE P4B shabu na nasabat sa karagatan ng Pangasinan pinawawasak ni PBBM

P4B shabu na nasabat sa karagatan ng Pangasinan pinawawasak ni PBBM

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagwasak sa halos P4 bilyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o (shabu) na natagpuan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa baybaying dagat ng Pangasinan noong June 5 at 6.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered the immediate destruction of the recovered illegal drugs. These illicit substances must be destroyed once and for all before they can cause harm to the Filipino people,” ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez sa isang kalatas, araw ng Linggo.

Sa ulat, narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga katuwang na law enforcement agencies ang nasa 21 sako ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P4 bilyon matapos malambat ng mga ma­ngingisda sa karagatan ng Pangasinan.

Ang kabuuang P3,997,040,000 halaga ng shabu ay nakuha ng 29 mangingisda habang nangingisda sa karagatan ng Panga­sinan mula Hunyo 5 at Hunyo 6 na nakasilid sa 588 vacuum-sealed transparent plastic packs na may timbang na 587.8 kilograms.

Ang shabu ay ipinasa ng mga mangingisda sa joint operatives ng PDEA, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Philippine Navy (PN) at National Bureau of Investigation (NBI) sa 19 beses na turnover incidents sa coastal barangays ng Dacap Sur, Bani, Pangasinan; Boboy, Agno, Pangasinan; at Luciente I Balingasay, at Poblacion, pawang sa Bolinao, Pangasinan.

“The retrieval operations highlight the strong inter-agency collaboration and cooperation among law enforcement agencies in protecting the country’s vast and porous coastlines from any threats of drug smuggling and trafficking,” ang sinabi naman ni PDEA Director General Isagani R Nerez.

Ang matagumpay na pagkakarekober ng nasabing illegal drugs ay naisagawa sa pagtutulungan ng naturang mga ahensya ng gobyerno sa pagitan ng local government units ng Agno, Bani at Bolinao, Pangasinan para sa pagtiyak sa maritime interests, coastal vigilance at kaligtasan ng mga residenteng nakatira sa tabi ng mga baybaying dagat.

Sa kabilang dako, kasama ni PDEA Regional Director, Regional Office I Joel Plaza sina CG/Capt Mark Larsen Mariano ng Coast Guard District Northwestern Luzon, PN Commo Ike Edward De Sagon,  ng Northern Luzon Naval Command, Atty. Joel Tovero ng NBI 1, at PCol. Ariel Capocao ng Drug Enforcement Group 1, PLt. Col. Santos Baldovizo ng Regional Maritime Unit 1 at PCol. Ricardo M David ng Pangasinan PPO sa ilalim ng pangangasiwa ni PBrig. Gen. Lou Evangelista ng Police Regional Office 1 ay pawang nasa ground para matiyak ang maayos na ongoing turnover ng illegal drugs alinsunod sa batas.

Una nang narekober ng mga awtoridad ang nasa 177 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.17 bilyon na nakasilid sa pitong sako na natagpuan din ng mga mangingisda habang palutang-lutang ang mga ito sa karagatang sakop ng Agno, Bani at Bolinao ng ­Pangasinan.

Patuloy ang ginagawang retrieval operations ng PCG at PN sa mga karagdang sako ng droga sa mga karagatan ng Pangasinan sa tulong ng LGUs at local fishermen. Kris Jose