Home ENTERTAINMENT BB, sing-along master na sa US!

BB, sing-along master na sa US!

254
0

California, USA – Hindi maituturing na trabaho ang iyong pinagkukunan ng ikinabubuhay if you have the passion for it.

With passion comes love that you pour into what you do.

Ganitung-ganito maaaring ilarawan ang bagong career ni BB Gandanghari sa California, US.

True to being a typical resilient Pinoy, basta marangal na trabaho’y pinapasok ni BB buhat nang manirahan sa Amerika.

Mula sa pagiging isang Grab driver, BB now works as a sing-along master at a bar named Noypitz.

Sa in-upload niyang vlog, obyus na nag-eenjoy si BB sa kanyang newfound job.

Inaasistehan niya ang mga kapwa Pinoy at ibang lahi as they go up the stage para kumanta.

Siyempre, BB’s work is not without performing a couple of songs.

Mga OPM songs ang proud niyang inaawit, palatandaan na malapit pa rin sa kanyang puso ang mga awiting Pinoy.

Napahanga nga ni BB ang mga netizens for making a go sa kanyang US life sa kabila ng katotohanang she can settle here and go back to acting.

Matatandaang nabalita noon na may gagawin silang pelikula ng kapatid na si Robin Padilla.

May tsika pa ngang magkakaroon siya ng TV show.

But at least, ang mag-perform sa sing-along bar comes close to being in showbiz. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here