Home OPINION BE RESPONSIBLE GUN OWNERS

BE RESPONSIBLE GUN OWNERS

MALAKING hamon ngayon sa hanay ng Philippine National Police ang pagbusisi sa
mga may-ari ng malalakas na kalibre ng baril kabilang ang rifle matapos ang pag-
amyenda ng Implementing Rules and Regulations ng RA 10591 o “Comprehensive
Firearms and Ammunitions Regulation Act” kung saan pinahihintulutan na ang mga
sibilyan na magkaroon ng semi-automatic rifle na hindi tataas sa 7.62mm.

Ibig sabihin, pwede nang bumili at magkaroon ng semi-awtimatikong baril ang
sinomang sibilyan subalit isasailalim muna ito sa mga pagsusuri ng pulisya lalo na ang nuero-psychiatric examination para malaman ng awtoridad kung karapat-dapat bang
pahintulutan na magmay-ari ng malalakas na kalibre ng baril.

Batay sa pagsasaliksik at pagtatanong natin sa ilang opisyal ng PNP, kabilang sa
braket na ito ang semi-automatic M16 rifle, KG9, carbine at iba pang ginagamit din ng
mga otoridad ang pwedeng bilhin at iproseso ang kaukulang dokumento.

‘Yung nga lang at batid ng taumbayan na ang may kakayahang bumili ng malalakas na
baril na ito ay ‘yung mayayaman na may malalawak na ari-ariang depensa rin naman
ng mga “kampon” nila laban sa mga magnanakaw at nais kumamkam ng kanilang
malalapad na lupain.

Ngunit ang pangamba lang ng ilang mambabatas ay baka gamitin ito ng ilang “burgis”
at panginoong mga pulitiko laban sa kanilang mga kalaban lalo pa’t nalalapit na naman
ang eleksyong naging ordinaryong senaryo na lang ang patayan ng mga nag-uumpugang lider sa ilang bahagi ng bansa.

Walang kwestyon sa batas na ito para doon sa mga responsableng may-ari ng baril
subalit hindi pa nabubura sa kaisipan ng sambayanan ang ginawang masaker sa mga
mamamahayag sa Maguinadanao kung saan ang pamilya Ampatuan na nagmamay-ari
ng ng sako-sakong matataas na kalibre ng armas ang nasa likod ng madugong
patayan.

Ilan pa ba ang tulad nilang politikong may private armed groups na ginagamit sa
paghasik ng karahasan tuwing nalalapit ang halalan?

‘Yan ang kinatatakutan ng matitinong opisyal na kapag hindi nahimay-himay ng
awtoridad ang mga may-ari nito, posibleng tumaas na naman ang krimen lalo na sa
panahon ng eleksyon kung saan dagdag pasanin na naman ito ng PNP at militar sa
pagpapatupad nang mapayapa at matiwasay na eleksyon.

Previous articleWALANG DUDA
Next articleP1.4B cash aid inayuda sa P145K pamilyang sapul ng kalamidad sa Davao