Manila, Philippines- May ilang mapagkakatiwalaang source ang nagkumpirma na in a relationship na si Bea Alonzo.
Nag-level up na raw ang pakikipag-date ng Kapuso actress kay Vincent Co.
Si Vincent who’s in his early 40s ay presidente ng Puregold, isang chain of supermarkets sa bansa.
Vincent is said to have held his position since 2015.
Angkop naman ang linyang ‘yon dahil nagtapos siya ng kursong Entrepreneurial Management mula sa University of Asia and the Pacific.
Lalong lumutang ang pagiging “steady” nina Bea at Vincent dahil sa ipinost ng huli sa kanyang social media account.
Isang larawan ‘yon ng lalaki’t babaeng magka-holding hands pero nakatalikod.
Kuha ang litratong ‘yon sa isang beach sa Andalucia, Spain.
Speaking of which ay nagbakasyon doon si Bea sa last few days ng April this year.
May kuha pa nga siyang may suot na beige blazer, black skirt at white rubber shoes–the same outfit that the “mystery girl” wore in the beach.
Nabalita ring nang minsang magkasakit si Bea sa Siargao ay ipinasundo siya ni Vincent gamit ang chopper.
To this day, quiet si Bea pagdating sa kanyang lovelife.
Samantala, maraming taga-showbiz ang nakaka-deal ni Vincent dahil sa kanilang negosyo, kaya hindi kataka-takang nagkrus ang landas nila ni Bea. Ronnie Carrasco III