Manila, Philippines – Kasado na ang pagpapakasal ni Bea Alonzo sa kanyang businessman-boyfriend na si Vincent Co.
Lumabas na kasi sa online mass ng St. Peter the Apostle Parish Church ang kanilang marriage banns.
Binanggit doon ang mga pangalan nina Bea at Vincent.
A marriage bann is an official announcement released by the church on two individuals with plans of getting married.
Naglalayon itong ipabatid sa komunidad ang mangyayaring pag-iisang-dibdib para madetermina kung may nakaambang moral o legal na hadlang bago itakda ang seremonya.
Ayon sa Facebook live, may art card ng tunay na pangalan nina Bea at Vincent: “Dear parishioners, we are announcing the marriage banns of the proposed marriage of the following couples.
“First banns for Ferdinand Vincent Pe Co, 44 years old, son of Lucio L. Co and Susan Pe…who will be married to Phylbert Angelli Escalante Ranollo, 38 years old, daughter of Fedesardo Ranollo and Mary Anne Escalante.”
Ang St. Peter the Apostle Church ay matatagpuan sa Paco, Manila kung saan kapwa nakatira ang mga ikakasal.
Matatandaang ikinagulat ni Bea nang mabalitang engaged na siya kay Vincent noong September 13, 2025.
Bagama’t walang nilinaw ang Kapuso actress, inamin niya sa 24 Oras ng GMA na: “I’m very happy!”
Bea has yet to confirm her wedding to Vincent base sa ulat ng PEP. Ronnie Carrasco III