Home ENTERTAINMENT Bea at Vincent, nagpakilig sa duet sa bar!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bea at Vincent, nagpakilig sa duet sa bar!December 11, 2025 17:063100 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Parang eksenang hango sa isang romcom movie.Ito ang nasaksihan ng crowd sa isang mataong bar somewhere in Quezon City nang magpaunlak ng duet ang magkasintahang Bea Alonzo at Vincent Co.Nagkaroon kasi sila ng duet na umani ng dumadagundong na hiyawan.Bantulot muna si Vincent na sumampa sa stage, pero ‘di na siya nakahindi nang yakagin ng aktres.Kahit halatang kinakabahan at nako-conscious, bumanat din si Vincent hawak ang cellphone na may lyrics ng awiting Palagi na pinasikat ni TJ Monterde.Lalo pang lumakas ang hiyawan nang sabay nilang kantahin ang chorus sa gitna ng malagkit nilang tinginan sa isa’t isa.Bago rito’y ibinisto ni Bea na: “Ayaw niya akong pakantahin!”‘Yun pala’y bet ni Vincent na i-serenade o haranahin ang nobya sa kanilang kinauupuan.Hell broke loose nang hinawakan na ni Bea ang balikat ni Vincent.Ito’y nang sumigaw nang paulit-ulit ang crowd ng: “Kiss!”Tila nanliit naman sa hiya ang dalawa pero naitawid naman nila ang kanilang instant duet.Instead the couple opted to hold hands while descending the stage.Lantaran na ngayon ang sweetness ng magnobyong napapabalitang engaged na.However, Bea wouldn’t confirm it at tila mas kumportableng isapribado ang mga plano nila as far as settling down is concerned.But sizing them up, Bea and Vincent make for a perfect married couple.Talbog! Ronnie Carrasco III