Home NATIONWIDE BIR examiner binaril-patay sa loob ng SUV

BIR examiner binaril-patay sa loob ng SUV

342
0

MANILA, Philippines – Binaril-patay ang isang examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob ng sasakyan nito sa Sacris Road sa Purok 8, Barangay Bakilid, Mandaue City, bandang 5:50 ng umaga nitong Huwebes, Disyembre 11.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at mukha ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Narekober din sa lugar ang mga empty shell casings.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Duke Ramil Perral Lincuna, isang Certified Public Accountant (CPA) at BIR examiner.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mercy Villaro, spokesperson ng Mandaue City Police Office (MCPO), tinitingnan nila ang trabaho at personal na buhay bilang posibleng motibo sa pagpaslang.

Ani Villaro, si Lincuna, na residente ng Lamac, Consolacion, ay nangangasiwa ng large-scale properties at negosyo.

Ang BIR examiner ay isang government official na responsable sa pag-audit at asessment ng mga taxpayer upang masiguro ang pagtugon ng mga ito sa batas sa buwis.

Nangangalap na ng impormasyon ang mga imbestigador.

Samantala, binuo na rin anh Special Investigation Task Group (SITG) ng Mandaue City Police Office para pangunahan ang kaso.

Natukoy ang mga suspek na dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here