California, USA – Hanggang Amerika kung saan na siya nakabase ngayon ay sinusundan ng intriga si Ruby Rodriguez.
Mukhang hindi palalampasin ng dating host ng Eat Bulaga ang kumakalat na balita sa social media na may namamagitang relasyon sa kanila ni Senate President Tito Sotto.
Sa Facebook, ipinost ni Ruby ang screenshot ng pekeng balita mula sa vlogger na may user name na Pinas Star.
Bahagi ng screenshot ang nagsasaad ng: “Ruby Rodriquez inilantad na ang anak nila ni Tito Sotto–buong tapang na naglahad ng kanyang tunay na kuwento!”
Agad na sinupalpal ni Ruby ang responsable sa peke at malisyosong balita.
Ani Ruby: “I’m consulting my lawyer regarding this matter.”
Concerned kasi siya sa epekto nito sa kanyang pamilya bukod sa nandamay pa ng inosenteng bata.
Dagdag ni Ruby: “This malicious content is harming my family and an innocent child. This is too much!”
Marami namang netizens ang sumusuporta sa ligal na hakbang ni Ruby para turuan ng leksyon ang mga fake news purveyor.
Buti na lang at may pagkakakilanlan ang nagkakalat nito, otherwise baka isipin ng kampo ni Tito Sotto ay may kinalaman dito si Anjo Yllana na panay ang banat sa mambabatas na sinasabing may mistress o kabit na nakabase sa Amerika. Ronnie Carrasco III