Home ENTERTAINMENT Zanjoe, nagsalita na sa isyung hiwalayan nila ni Ria!

Zanjoe, nagsalita na sa isyung hiwalayan nila ni Ria!

372
0

Manila, Philippines – Kung wala pa siyang entry sa Metro Manila Film Festival this year, hindi pa nakahanap ng pagkakataon si Zanjoe Marudo na linawin ang isyu sa kanila ng asawang si Ria Atayde.

Zanjoe leads the cast of the film Unmarry alongside Angelica Panganiban.

Halos magkahawig kasi ang tema ng pelikula sa isyung ikinakabit sa aktor.

Matinding away sa ‘di malamang dahilan daw ang naging mitsa ng paghihiwalay nila ni Ria.

Paglilinaw ng brandnew father: “Hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Nagkalat ang fake news sa social media!”

Maging ang mga taong taga-Amerika ay panay ang tanong sa kanya.

Matatandaang nagkaroon ng US screening ang pelikula niyang How To Get Away With My Toxic Family.

Aniya: “May mga nagtatanong nga sa akin, ‘Hiwalay na ba kayo?’ Ang sagot ko lang, ‘Bakit, ‘yan ba ang libangan n’yo dito?’ Kasi daw para

masabi nila sa mga kakilala’t kaibigan nila na hindi totoo, coming from me!”

Pero bilang tao raw ay malaki ang binago ni Zanjoe.

Ang dating Zanjoe Marudo daw who used to be insecure, didn’t believe in himself and indecisive is now the exact opposite.

Dahil daw sa pagbabago na ‘yon ay nag-improve ang pakikitungo niya sa tao.

So, all’s clear now–Zanjoe and Ria are very much together!

Enough of fabricated news. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here