Home ENTERTAINMENT Bea, may project sa GMA Public Affairs!

Bea, may project sa GMA Public Affairs!

Manila, Philippines- Nakuryente nga ba ang mga nagkakalat ng balitang hindi na ni-renew ng GMA ang kontrata ni Bea Alonzo?

Na ang sabi pa ng mga bashers ng aktres ay huling proyekto na raw nito ang Widows’ War nila ni Carla Abellana?

Teka muna, hindi ba puwedeng kaya nakabinbin ang contract renewal ni Bea ay dahil hindi pa naman expired ang kanyang kontrata?

Ayon sa ilang GMA sources, sorry to disappoint na lang Bea’s bashers na nag-aabang lagi ng ikasisira nito.

“Sorry to burst their bubble!” sey nga ng tao who’s privy to the developments in Bea’s TV career.

FYI daw, nakipag-meeting na raw ang aktres sa GMA Public Affairs for a series.

At take note, hindi lang ito basta series dahil ka-collab nito mismo si Bea!

And as such, may “say” o upperhand si Bea sa story nito, at maging sa casting.

Ang request nga niya’y kuning direktor si Zig Dulay who also helmed Widows’ War.

‘Yun nga lang, hindi na tinapos ni Zig ang nasabing telesèrye as he concentrated on GMA Pictures’ MMFF 2024 entry Green Bones.

Dinagsa naman ng request mula sa mga netizens na pagsamahin sa gagawing TV project sina Bea at John Lloyd Cruz.

Magandang TV comeback daw ‘yon for JLC lalo’t nakaka-miss ang tambalan nila ni Bea sa Star Cinema noon. Ronnie Carrasco IIi