Home METRO Bebot ginahasa, sinunog, chinap-chop, labi pinaanod pa sa dagat sa Samar

Bebot ginahasa, sinunog, chinap-chop, labi pinaanod pa sa dagat sa Samar

SAMAR – Ginahasa, pinatay, sinunog, chinap-chop ang katawan saka itinapon sa dagat ang sinapit ng isang babae sa bayan ng Tarangan.

Natuklasan ang krimen matapos na makita ng isang mangingisda ang lumulutang na sako na may laman ng labi ng babae noong Sabado.

Base sa imbestigasyon, natukoy ang 31-anyos na biktima na residente ng Barangay Cahunghan, na nauna nang iniulat na nawawala noong Biyernes.

Base naman sa punong barangay na bago ang insidente, may nakita rin silang sunog na katawan malapit sa tabing dagat sa ilalim ng mga puno.

Inaresto naman ang isang lalaki na umamin sa krimen at sinabing hinalay din niya ang biktima.

Sa kwento pa nito, inabangan niya ang biktima at himampas ng matigas na bagay na dahilan para mawalan ito ng malay.

Sinabi ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil sa labis na kalasingan. RNT

Previous article14 senador nagpahayag ng suporta sa liderato ni Zubiri
Next article‘Provocative, illegal’ na aksyon ng Tsina sa WPS sinita ni PBBM