Home HOME BANNER STORY Bebot na ‘bigtime’ tulak, timbog sa P204M tobats sa Las Piñas

Bebot na ‘bigtime’ tulak, timbog sa P204M tobats sa Las Piñas

1
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 40-anyos na babaeng itinuturing na high-value drug suspect matapos makumpiskahan umano ng humigit-kumulang 30 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P204 milyon sa buy-bust operation sa Las Piñas City.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa alyas na “Girlie,” residente ng Lubao, Pampanga. Naaresto siya sa operasyon sa BF International Village noong Sabado, Setyembre 19.

Ayon sa PNP, narekober mula sa suspek ang tinatayang 30 kilo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P204 milyon.

Isusumite ang nakumpiskang droga at iba pang ebidensya sa Forensic Group ng Southern Police District sa Taguig City para sa laboratory examination at kaukulang pagproseso.

“We will sustain decisive law enforcement efforts against those who profit from the illegal drug trade,” pahayag ng PNP.

Samantala, pinaalalahanan din ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga courier company at delivery rider na maging mapagmatyag laban sa posibleng paggamit sa kanilang serbisyo sa pagdadala ng ilegal na droga at iba pang kontrabando.

Ginawa ang paalala matapos magsumbong ang dalawang motorcycle delivery rider sa Marikina City hinggil sa mga kahina-hinalang parcel na ipinapadala sa kanila. Kalaunan ay nakarekober umano ang pulisya ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P150,000. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here