Home METRO Bebot na dumalaw sa kulungan swak sa selda sa ilegal na droga!

Bebot na dumalaw sa kulungan swak sa selda sa ilegal na droga!

MANILA, Philippines- Pareho nang nasa kulungan ang preso at dalaw niyang babae makaraang makuhanan ng droga ang huli sa dinala nitong pagkain sa Imus City, Cavite.

Sa report, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Shiela.”

Batay ulat, bandang alas-10 ng umaga, habang nagsasagawa ng inspeksyon si Pat Paul Michael Falculan sa mga dalang pagkain ng mga dalaw sa loob ng Imus Component City Lock-Up Cell sa Brgy. Malagasang 1-G, naghinala ito sa dala ni alyas “Shiela.”

Napag-alaman na nakapailalim sa loob ng mga pagkain ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may market value na P6,800 na naging sanhi ng pagkakaaresto sa suspek.

Sinampahan na ng kaso ang suspek na nasa kostodiya ngayon ng Imus Custodial Component Center. Margie Bautista