Home METRO Top 7 MWP sa Cabanatuan timbog!

Top 7 MWP sa Cabanatuan timbog!

MANILA, Philippines- Kulungan ang hinantungan ng isang 65-anyos na lalaki makaraang masangkot sa umano’y reklamo ng pang-aabuso sa lungsod ng Cabanatuan nitong Lunes, Hunyo 24, 2024.

Kinilala ni P/Lt. Col. Warly C. Bitog, acting chief of police ng Cabanatuan City Police Station (CCPS), ang arestadong suspek na si Roman Rodriguez y Mendoza, binata, residente ng Purok Campupot, Barangay Balite, Cabanatuan City.

Ayon sa pulisya, ganap na alas-4:30 ng hapon nang tuluyang maaresto ang umano’y sinasabing suspek, matapos na magkasa ng isang operasyon ang pinagsanib na operatiba ng kapulisan sa pangunguna ng CCPS, sa Brgy. Balite, Cabanatuan City.

Si Rodriguez ay nasakote matapos na magpalabas ng warrant ang korte sa umano’y kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng RPC, as amended in relation to Section 5 (b) ng Republic Act 7610 ( 4 counts) as amended by R.A.11648, sa Regional Trial Court (RTC), Branch 26, Cabanatuan City, may petsang Hunyo 5, 2024, at may piyansang P720,000.

Dagdag pa rito ay napag-alaman ring ang suspek ay kasama sa listahan ng mga Most Wanted Person, bilang Rank 7, City Level sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa kasalukuyan ay nasa custodial facility ng CCPS ang suspek. Elsa Navallo