Home NATIONWIDE Bebot na sangkot sa droga, inaresto habang nakakulong

Bebot na sangkot sa droga, inaresto habang nakakulong

86
0

BULACAN, Philippines – Muling inaresto ng pulisya sa pamamagitan ng arrest warrant ang 29-anyos na bebot na wanted sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga sa Malabon City habang nakakulong sa isang selda sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap sila ng impormasyon na kasalukuyang nakapiit ang akusadong si alyas “Mayang” sa isang jail facility sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan.

Ang akusado ay may arrest warrant na inisyu ang Regional Trial Court (RTC) ng Malabon City para sa service of sentence dahil sa paglabag sa Section 12, Article II ng Republic Act 9165 kaya tinutugis siya ng mga awtoridad.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Malabon Police sa mga tauhan ng nasabing jail facility sakay isinilbi sa akusado ang nasabing warrant.

Nakakulong ang akusado sa naturang jail facility matapos maaresto ng pulisya kaugnay sa kaso na may kinalaman pa rin sa illegal na droga.

Ayon kay Gen. Capili, patuloy na pinalalakas ng NPD ang mga kakayahan nito sa pagpapatakbo sa pamamagitan ng pinatindi na police visibility, mabilis na pagtugon sa krimen, patuloy na operasyon laban sa kriminalidad, at proactive na mga hakbangin sa kaligtasan ng publiko. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here