Home METRO Bebot nalambat matapos maaktuhang nagbebenta ng sanggol

Bebot nalambat matapos maaktuhang nagbebenta ng sanggol

MANILA, Philippines- Nadakip sa isinagawang entrapment operation ang isang babae matapos magbenta ng 11-araw na lalaking sanggol sa isang undercover agent sa Quezon City. 

Arestado ang babaeng suspek na miyembro ng isang Facebook group na nagsisilbing bentahan ng mga bata.

Isinailalim na sa inquest proceeding  sa Department of Justice ang suspek at sinabing ipinabenta lamang umano sa kanya ang sanggol na anak ng kanyang kaklase.  

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang sanggol na nasagip upang mabigyan ng karampatang aruga at kalinga. 

Muling naman ipinaalala ng IACAT sa publiko na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagbebenta ng kapwa tao, bata man o matanda, dahil ito ay isang uri ng human trafficking. 

Kung may nababalitaang pagbebenta ng bata online, mangyaring mag-report lamang sa IACAT o sa 1343 hotline. Teresa Tavares