Home METRO Bebot, patay nang nahulog sa talon

Bebot, patay nang nahulog sa talon

PANGASINAN-Tigok ang isang 18-anyos na babae matapos madulas at mahulog sa malalim na bahagi ng Tinakayanan Falls sa Sitio Apalang, Brgy. Bolo, Labrador ng lalawigang ito nitong Huwebes, Disyembre 5.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay residente ng Brgy. Lasip, Lingayen, Pangasinan.

Nabatid na ang biktima kasama ang kaibigan niya ay nakatayo sa itaas ng talon nang biglang madulas at mahulog.

Nagsisigaw ang biktimang humihingi ng tulong sa mga kasama para iligtas siya ngunit walang nagtangkang tumulong sa kanya dahil hindi sila marurunong lumangoy.

Makalipas ang ilang minuto, lumubog ang biktima at nalunod.

Nagsagawa naman ng retrieval operation ang mga rumespondeng PNP personnel, MDRRMO at Philippine Coast Guard.

Nang matagpuan nila ang biktima, agad nilang binigyan ng CPR at first aid ngunit nabigo silang i-revive ito.

Minabuti nilang isugod na lang sa ospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima qy idineklarang dead-on- arrival ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO