Home METRO Bebot patay nang natagpuan sa gilid ng dagat sa Cavite

Bebot patay nang natagpuan sa gilid ng dagat sa Cavite

189
0

MANILA, Philippines – Isang dalaga ang natagpuang wala nang buhay sa gilid ng dagat makaraang umano’y malunod sa isang resort sa Tanza, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, naisugod pa sa Tanza Doctors Hospital ang biktimang si Precious subalit patay na ito nang idating sa pagamutan.

Batay sa ulat ng pulisya, nagtungo ang pamilya ng biktima sa Garden Coast sa Brgy Capipisa, ng nasabing bayan upang ipagdiwang ang Easter Sunday.

Napag-alaman na inakala ng pamilya na natutulog lamang ang biktima sa loob ng kanilang inupahang cottage pero nang puntahan ito bandang alas-10:00 ng gabi ay wala ito sa loob.

Patuloy na naghanap ang kanyang pamilya hanggang sa natagpuan ito sa gilid ng dagat na walang malay.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung ano ang ikinamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here