Home METRO Bebot timbog sa P6.85M tobats sa Pasay CMEC

Bebot timbog sa P6.85M tobats sa Pasay CMEC

211
0
Photos by Jimmy Hao

MANILA, Philippines – Arestado ng mga miyembro ng Ninoy Aquino International Airport-Inter Agency Drugs Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang 28-taong-gulang na babae matapos i-claim sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang isang parcel na naglalaman ng P6,854,400 halaga ng shabu Lunes ng hapon, Hunyo 2.

Kinilala ng NAIA-IADITG ang nadakip na suspek na si Ruth Mahilum y Agao, 28, residente ng 21 Guijo St., Manuela 4E, Pamplona Tres, Las Piñas City.

Base sa report ng NAIA-IADITG, inaresto ng mga operatiba ang suspek dakong alas 3:00 ng hapon sa isinagawang interdiction operation sa CMEC, Domestic Road, Pasay City.

Ang naturang inbound parcel na iki-claim sana ng suspek ay may tracking number EE 228 966 831 CA na idineklarang “ladies wear and bags” at ipinadala ng isang Jonathan Wellison ng 701-25 Richview Road, Etobicoke, Ontario, Canada M9P2R7 na nakaconsign sa suspek.

Photos by Jimmy Hao
Photos by Jimmy Hao
Photos by Jimmy Hao

Nasamsam ng mga operatiba sa inbound parcel ang kulay pink, gray, itim at kulay puti na bag na mayroong walong self-sealing transparent plastic bag na nakabalot sa foil at cling wrap na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuuang timbang na 1,008 gramo at nagkakahalaga ng P6,854,400; apat na bundle ng footwear; isang bundle ng assorted footwear, handbag at cap na nakabalot sa blanket; at isang bundle ng iba’t-ibang damit na nakabalot din sa blanket.

Narekober naman sa posesyon ng suspek ang isang Notice Card na nakapangalan sa kanya; ID ng suspek; dalawang pekeng identification cards na nakapangalan sa isang Rein Angel Arca; at isang mobile phone.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga ahensya ng gobyerno na pinangungunahan ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); Bureau of Immigration (BI); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); at ng National Bureau of Investigation (NBI). James I. Catapusan/PHOTOS BY Jimmy Hao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here