Home NATIONWIDE HIV ipinadedeklara ng DOH bilang National Public Health Emergency

HIV ipinadedeklara ng DOH bilang National Public Health Emergency

268
0

MANILA, Philippines – Tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Western Pacific Region.

Dahil dito, iminungkahi ng Department of Health (DOH) na maging National Public Health Emergency ang problema sa HIV o human immunodeficiency virus ng bansa.

Sa datos ng DOH, nasa 57 na ang kumpirmadong kaso ng HIV kada araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Upang maiwasan ang ganitong sakit, payo ng DOH sa publiko na magpa-HIV test.

Ayon sa DOH, libre ang pagpapatest at confidential o hindi ibinubunyag ang pangalan ng pasyente o indibidwal na sasailalim sa nasabing pagsusuri.

Payo rin ng Kagawaran ang paggamit ng condom, lubricants at PrEP o pre-exposure prophylaxis, na medikasyon o gamutan na nakatutulong sa pagpigil sa HIV infection

Gayundin ang pagkonsulta at pag-inom ng anti-retroviral therapy para sa mga nangangailangan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here