Home METRO Beki nag-suicide sa Valenzuela mall

Beki nag-suicide sa Valenzuela mall

397
0

MANILA, Philippines – Isang lalaking miyembro ng LGBT community ang dead-on-the spot matapos magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Valenzuela City.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng itim na pantalon, itim na damit at may taas ng 5’5″ hanggang 5’7″.

Nangyari ang insidente, bago magtanghali sa isang mall sa Paso de Blas, Valenzuela City na ikinagulat ng mga mamimili.

Nag-trending sa social media ang insidente kung saan ay maraming netizen ang naawa at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.

Ayon sa isang saksi, abala siya sa pamimili nang makarinig ng malakas na kalabog ng sahig.

Narinig na lamang niya ang mga tao na nagsisigawan at nang kanyang usisain ay nakita ang nakahandusay na biktima.

Bago ito, nakita pa ang biktima na naglalakad pero mistulang balisa at pagdating sa ikatlong palapag ay sumpa sa harang na railings saka tumalon.

Kinokontak pa ng pulisya ang mga kaanak ng biktima para ipaalam ang insidente.

Naniniwala ang pulisya na depresyon ang nagtulak sa biktima para magpakamatay. RNT/NT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here