Home ENTERTAINMENT Bela at ex, nagkasama uli, nagkabalikan?

Bela at ex, nagkasama uli, nagkabalikan?

266
0

London, England – The sweetest of lovers can be the best of friends.

Ito ang nais patunayan ni Bela Padilla na muling nakasama ang dating nobyong si Norman Bay sa Europe.

First stop was in London, England kung saan naka-bonding ng ex-couple ang kanilang mga kaibigan.

With Bela calling them “London friends,” she and Norman hosted a boodle fight for them.

With Norman as the sous chef, first time daw maranasan ng mga ito ang boodle fight.

Dahil wala ngang available na dahon ng saging sa London ay kumsin sila sa “cling wrap.”

Ipinost pa ng mga kaibigan nila ang larawan ng boodle fight kung saan ayon sa caption, naghanda raw sina Bela at Norman ng nutrition-approved food na bukod sa high in protein ay mataas pa sa social bonding.

Hindi nagtapos ang muling pagsasama ng dating magdyowa sa London.

Nasundan kasi ito ng mabilisang four-day trip to Athens, Greece.

Ito’y para dumalo sa special screening ng mga pelikula ni Bea na 100 Tula Para Kay Stella at 100 Awit Para Kay Stella.

In both films, bukod sa pagiging isang cast member ay dinirek at sinulat din ito ni Bela.

Sa tanong kung nagkabalikan ba sila ni Norman, well, malay natin.

Sabi nga, anything is possible. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here