Home NATIONWIDE Marami pa ring nagtangkang magpuslit ng ipinagbabawal na gamit sa MNC

Marami pa ring nagtangkang magpuslit ng ipinagbabawal na gamit sa MNC

284
0

MANILA, Philippines – Marami pa rin mga indibidwal na nagtutungo sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) ang nagtatangkang magpasok ng mga ipinagbabawal na bagay sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng lokal na pamahalaan at pulisya.

Tulad ng mga nakukumpiska sa mga nakaraang paggunita ng Undas, hindi pa rin maiwasan ng publiko ang pagdadala ng mga pabango, vape, sigarilyo, pintura, lighter, at alcohol.

Bukod dito, bagamat nagbigay ng iskedyul ang pamunuan ng Manila North Cemetery para sa paglilinis ng mga puntod hanggang noong Oktubre 27, may ilan pa rin na nagdala ng mga panlinis tulad ng mga walis ting-ting.

May mga nagbitbit din ng mga alagang hayop tulad ng aso at pusa na ayon sa mga katwiran ng ilang indibidwal ay hindi nila ito maiwan dahil walang magbabantay sa kanila.

May ilan indibidwal ang nais pa palusutin ang mga ipinagbabawal na gamit tulad na lamang ng pintura na itinago sa lata ng gatas.

Ang mga indibidwal na nakukumpiskahan ng mga gamit ay binibigyan ng pagkakataon na mabawi ang mga ito kung saan bibigyan sila ng stub pero kailangan ay hindi nila ito mawala.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nais bumisita sa puntod ng yumao nilang mahal sa buhay sa Manila North Cemetery kung saan as of 10 a.m. ay nasa 6,200 na ang estimated crowd na nagpunta sa nasabing sementeryo.

Muling paalala ng Manila North Cemetery at MPD na mahigpit na:

* Bawal magdala ng inuming nakalalasing.

* Bawal magdala ng kahit anong uri ng patalim o matutulis na bagay at mga bagay na nakasasakit.

* Hindi pinapayagan ang pagsusugal sa loob ng sementeryo.

* Bawal ang mga kagamitang lumilikha ng malakas na ingay.

* Bawal rin ang pagdadala ng alagang aso o pusa

* at bawal ang paninigarilyo at vape

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here