Home ENTERTAINMENT Bela, inakusahang nagsuplada sa fan!

Bela, inakusahang nagsuplada sa fan!

Manila, Philippines- Sa isang TikTok video ni Bela Padilla, nag-emote ang isang fan na diumano’y sinimangutan siya ng aktres.

Sabi ng isang fan na may handle na Len na may emoji ng strawberry sa dulo, dinedma raw siya ng aktres nang makita nito.

Aniya: “Nakita kita sa harap ng Zara Rockwell, grabe naman yung simangot mo sa akin. Hindi naman ako magpapa-picture. Hawak ko lang phone ko nun kasi waiting sa sundo pero hindi ako galit ha, baka bad mood ka lang siguro nuon pero madalas kita makita sa Rockwell, taga-dito lang din kasi ako sa area.”

Resbak naman ni Bela: “I’m sure hindi kita sinimangutan kasi l don’t frown at people 🙂 you can ask the staff in Zara who see me all the time.”

Dugtong pa ng aktres: “Len, yes always kita nakikita sa Rockwell nakakasabay pa sa elevator nasanay ako na naka-smile ikaw lagi baka siguro pagod ka lang that time.”

Nakakuha naman ng kakampi si Bela sa ilang netizens na binembang ang netizen.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Required ba nakangiti sya sayo teh?”

“Jusko, parang ganyan naman pokerface look ni Bela Padilla eversince.”

“Baka nag-assume lang si ate na sinimangutan sya. Dba malabo mata ni Bella?”

“Minsan di ko din gets bakit nagagalit or naiinis mga tao kapag kesyo daw di marunong ngumiti mga artista, kailangan ba nakangiti lagi sila at binabati ang mga tao? Gets naman nasa industriya sila pero hello? Let them relax and have their privacy, hindi yung gagawan pa ng issue na masungit, for sure naman lahat ng nagwowork need ng chill time anerk”

“Ano daw? Tao lang po si Bela, and walang taong nakasmile 24/7 pwera lang sa mga baliw. Nubayan.”

“Grabe ang entitlement ha.”

“Bakit naman ngingiti sayo ‘te, close ba kayo?

” Saw her sa airport while waiting ng sundo niya, tumatanggi talaga siya sa mga nagpapapicture sakanya. And that’s okay.” Archie Liao