Home ENTERTAINMENT Bela, inokray si Piolo!

Bela, inokray si Piolo!

Manila, Philippines – Proud of her body, finlex ni Bela Padilla ang kanyang kaseksihan in her two-piece swimwear.

Hindi man ‘yon skimpy bikini pero lutang ang magandang hubog ng kanyang well-toned body.

Thanks to swimming.

Kasama ngang pinasalamatan ng multi-slashie ang kanyang swimming coach named Bok Santos.

Bela was under Bok’s able training in preparation for her participation in a deep dive festival.

Hindi malinaw kung saan ito nagdaraos, but Bela appears all ready for it dahil sa kanyang “fighting form.”

Isa ang co-star ni Bela sa isang teleserye sa ABS-CBN na si Piolo Pascual ang nakatisod sa post niya.

“Huy,” ang tanging comment ni Piolo.

To which ang isinagot naman ni Bela ay: “Mag-work out ka kasi!”

Obyus na aware ang aktres na kulang sa fitness regimen ang aktor.

Guilty, sumang-ayon naman si Piolo na gagawin daw niya ‘yon to make him stronger: “Baka kasi mautot ako pag binuhat kita!”

Did Piolo imply na mabigat si Bela, o may parte lang ng katawan niya ang mabigat particularly her upper half?

Hindi naman ‘yon pinalampas ni Bela who retaliated: “Excuse meee! I’m light as a feather!”

‘Yung lagay na ‘yon, at home at kumportable na sila sa isa’t isa na nag-ookrayan sa social media, how much more on the set of their shoot. Ronnie Carrasco III