Home ENTERTAINMENT Camille, inasar si Angelica sa workout!

Camille, inasar si Angelica sa workout!

Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account, nag-share si Camille Prats ng kanyang workout video na takaw pansin sa netizens.

Sa naturang routine,ibinahagi niya ang five quick exercises na inirerekomenda niya sa mga taong abala o busy sa kanilang mga trabaho.

Para sa Kapuso actress, madaling matutunan ang nasabing ehersisyo bagama’t marami naman ang nag-react na mahirap at nakakapagod gawin ito.

Caption niya: “No time to workout? We’re not squeezing it in! We’re making time for it coz its a priority! Try this quick chipper with me! Comment down below once you’ve tried this workout! #strongertogether Have time to do something wonderful for yourself today? “

Agad namang nag-react si Angelica Panganiban sa kanyang post.

Komento ni Angge: “Parang pang-asar yung ‘enjooooy’.”

Tugon naman ni Camille: “naasar ka sis?”

Sabat naman ng ilang netizens: anakikay15:@iamangelicap, “naasar kaba Angel?l”

renzie22: “pinanood ko lang napagod na ko agad e hahahH.”

Opinyon naman ng kibitzers, na-insecure raw si Angge sa kaseksihan ni Camille na napanatili ang kanyang kurbada o alindog.

Hinangaan naman nina Valeen Montenegro at Carla Abellana si Camille sa pagpupursige nito sa kanyang workout.

Reaksyon ni Carla: “Galiiing!!!”

Ibig sabihin ng actress, effort din para sa kanya everyday to keep her body in shape.

May nang-urot pa kay Camille kung bakit ganoong klase ng workout ang kanyang ginagawa.

Sagot niya: “It wasn’t my choice. It was the network and the management’s decision kung anuman ang endgame ng RoniBorj.” Archie Liao