Nakatakdang muling magkita sa ikalimang pagkatataon sa loob ng hawla sina dating ONE bantamweight world champion Kevin Belingon ng Lions Nation MMA at Bibiano Fernandes sa ONE 171 sa Pebrero 20 sa Lusail Sports Arena sa Qatar.
Sina Belingon at Fernandes ay nagbabahagi ng pinakamalaganap na tunggalian sa kasaysayan ng bantamweight.
Sa apat na beses na lumaban sa nakaraan, ang Pinoy ay kasalukuyang nasa 1-3 laban sa Brazilian kung saan ang isa sa mga pagkatalo ay dumating sa pamamagitan ng diskwalipikasyon.
Ayon kay Belingon, ang nalalapit na laban ay isang pagkakataon upang tuluyang isara ang kabanatang ito ng kanyang karera once and for all.
“I have unfinished business with Bibiano. We have history together and I want to end our story with me on top,” ani Belingon.
Isa sa pinakamalaking pangalan sa Pilipinas sa mixed martial arts, si Belingon ay huling lumaban noong Nobyembre 2022 laban kay Jae Woong Kim kung saan siya natalo sa stoppage loss sa opening round.
Sa kabila ng pahinga at limang laban na pagkatalo, tiniyak ni Belingon na handa siyang papasok laban sa kanyang archrival.
“Matagal akong naghintay para sa aking pagbabalik at hindi nasusukat ang aking excitement. Rest assured, I have been working on my game in my time away. I’m gonna come out ready and entertain our fans, especially the Filipino fans sa Qatar,” wika ni Belingon.JC