Home ENTERTAINMENT Benhur, napansin sa Lilet Matias, magkakaroon ng sariling programa?

Benhur, napansin sa Lilet Matias, magkakaroon ng sariling programa?

Screenshot

Manila, Philippines- Kung hindi kami nagkakamali ay first time na lumabas sa teleserye si Benhur Abalos, na ngayon ay kumakandidato bilang senador under Alyansa.

Si Benhur ay naging regular cast sa GMA7 teleserye na Lilet Matias: Attorney at Law, kung saan ang bumida ay si Jo Berry.

Isang Public Attorney’s Chief lawyer ang ginampanang papel ni Benhur at maraming netizens ang nakapansin sa dere-deretso niyang pagda-dialogue na parang beteranong aktor ang dating.

Ayon kay Abalos ay maganda ang character na kanyang binigyan ng buhay at alam niya na makakatulong ito sa taong-bayan kaya niya tinanggap.

May mga legal information at knowledge kasi na ibinabahagi sa Benhur sa kanyang mga dialogue na siguradong makakapagbigay ng additional na kaalaman sa manonood.

“Wastong kaalaman tungkol sa batas kasi ang panlaban natin sa mga taong pilit na tinatapakan ang ating mga karapatan. At ‘yon naman ang aking binibigyan talaga ng pansin lalo na sa mga sinasabi ko sa teleserye,” pag-explain no senatoriable Abalos.

Dahil dito ay sandamakmak na netizen tuloy ang nagsa-suggest na sana ay mabigyan ng isang public service program si Benhur dahil siguradong magiging effective siya rito.

FYI ay naging Department of Interior and Local Government (DILG) secretary si Benhur bago pa tumakbo sa isang national position.

Sa ngayon ay ang pagtanggal sa Value Added Tax (VAT) sa kuryente at produktong petrolyo ang kanyang isinusulong. JP Ignacio

Isinusulong din niya ang pagbibigay ng gratuity at insentibo para sa mga job order at contract of service workers sa gobyerno. JP Ignacio