Home ENTERTAINMENT Benjie, itinangging break na sina Kobe at Kyline!

Benjie, itinangging break na sina Kobe at Kyline!

Manila, Philippines – If mother knows best, so does father.

It’s safe to say nga na hindi totoong hiwalay na ang magkasintahang Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Coming from Kobe’s dad himself–Benjie Paras–ay haka-haka lang ng mga netizens ito.

Agad kasing napansin ang burado nang pictures ng couple in their respective social media accounts.

Ang mga natira’y photos ng kanilang mga collab at pagsasama sa ilang piling events.

This led the netizens to suspect all’s over between them.

Pero nang hingan ng pahayag si Benjie ay ito ang kanyang sabi: “Sila pa rin!”

Ewan nga raw ni Benjie kung bakit atat na atat ang marami na magkahiwalay sina Kobe at Kyline.

To disprove, ani Benjie ay noong isang araw ay masaya pa raw silang nag-iinuman.

Sa ngayon, neither Kyline nor Kobe has given any statement about the alleged breakup.

With Benjie having spoken on their behalf, mukhang hindi na kailangan.

Credible naman ang ama! Ronnie Carrasco III