Home ENTERTAINMENT Benjie, may bagong pahayag sa Kyline-Kobe breakup!ENTERTAINMENTNATIONWIDESHOWBIZ Benjie, may bagong pahayag sa Kyline-Kobe breakup!April 26, 2025 13:35 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Base sa timeline, as of April 11–as far as Benjie Paras is concerned ay all was well between his son Kobe and Kyline Alcantara.Kung may pagkakataon din lang, game namang sinasagot ni Benjie ang pag-uusisa tungkol sa relasyon ng anakAnd when asked, simple lang ang tugon ni Benjie: “Sila pa rin… nag-inuman pa nga kami noong isang gabi!”Benjie’s statement, however, seems to belie what is now all over social media.Balita kasing first week of April ay break na ang dalawa.May “tall order” nga lang believed to be from Sparkle–talent arm ng GMA–na huwag isapubliko ang paghihiwalay nila.May mga product endorsements kasi ang dalawa na tiyak na maaapektuhan.Hindi nga lang malinaw kung sino kina Kyline at Kobe ang unang nakipag-break.But it was Kyline who first deleted their photos together on social media.Ayon sa source, noong una raw ay nagkaroon ng matinding away ang couple but they managed to resolve it.Ang kaso, llang araw lang daw ang lumipas ay nag-away sila uli that eventually led to their breakup for good.Hiningan ng reaksyon si Benjie, na hangga’t maaari raw ay ayaw makialam sa isyung kinasasangkutan ng anak.Ani Benjie: “Ayokong makialam.“Matanda na si Kobe, may sarili nang isip. Saka hindi naman siya nakatira sa akin!”But summing it all up, third party on Kobe’s part ang cause ng kanilang breakup.Bukas ang Remate Online sa panig nina Kyoine at Kobe. Ronnie Carrasco III